Vice Ganda: Magandang hapon po Madam Nancy.
Nancy Binay: Alam mo favorite kita.
Vice Ganda: Unang buka pa lang ng bibig, nambobola na agad? ‘Di ba pwedeng mag-greet muna?
Nancy Binay: Totoo ‘yon! Favorite talaga kita. You remind me of my dad.
Vice Ganda: Ohhhh my gaaad. Gano’n ba ako kaitim?
Nancy Binay: Hindiiii! Kasi… pareho kayong Vice.
Vice Ganda: In fairness, puma-punchline. Diretso na nga tayo sa mga isyu. Sabi ng dad mo the other day, you remind him daw of Margaret Thatcher. Bakit? Wala bang track record si Thatcher nang maging Prime Minister ng Britain?
Nancy Binay: Grabe ka naman Vice kung makapanlait.
Vice Ganda: OA ka huh! Nagtanong lang, laitero na? ‘Di ba pwedeng inquisitive lang muna?
Nancy Binay: Dapat kasi binasa n’yo nang buo ang news item bago kayo nanghusga.
Vice Ganda: Ah ganun? Hindi lang binasa nang buo ang balita, judgmental na? ‘Di ba pwedeng busy lang talaga?
Nancy Binay: Sabi kasi ng dad ko, may anak daw na kambal si Thatcher. Eh ako kasi Vice, meron ding kambal. So ‘yon ang konteksto ng statement niya. Huwag sanang bigyan ng malisya.
Vice Ganda: Ang layo naman ng narating mo ‘teh. May mention ka na agad ng malisya?! Ano ka sex symbol?
Nancy Binay: Patawa ka talaga Vice.
Vice Ganda: Hindi! Paiyak ako. Comedy show nga ito eh so paiyak ako. Heto ang next question: bakit raw umiiwas ka sa mga televised debates. Takot ka raw ba?
Nancy Binay: Alam mo Vice…
Vice Ganda: Oo! Alam ko na. Kaya nga ako nagtatanong ‘di ba? Kasi alam ko na ang sasabihin mo. Huwag mo na lang kayang sagutin.
Nancy Binay: Ikaw kasi! Pinutol mo agad ako. Ito na nga! Hihihi Alam mo Vice…
Vice Ganda: Paulit-ulit? Walang ibang transitional devices?
Nancy Binay: Hindi naman sa umiiwas ako sa debate. Kaya lang, busy ako sa kampanya eh. Priority ko ang taumbayan…
Vice Ganda: So ‘yong ibang candidates na uma-attend sa debate, hindi nila priority ang taumbayan?
Nancy Binay: Hindi naman sa gano’n.
Vice Ganda: Kasasabi mo lang eh. So ako na naman ang mali?!? Bingi ako? Gano’n?
Ang sabi ko Vice, priority ko ang taumbayan. PERO NEVER KONG SINABING HINDI SILA PRIORITY NG IBANG MGA KANDIDATO!!!
Vice Ganda: So galit ka? Kailangang all caps talaga? At may tatlong exclamation points pa?!? Pwes, MAGSIGAWAN NA LANG TAYO! HETO ANG SUSUNOD NA TANONG KO. MAKINIG KA MARGARET THATCHER!
Nancy Binay: Vice naman. ‘Wag ka namang magalit. Pumayag na nga akong mag-guest dito para magpaliwanag eh. ‘Tsaka exclusive mo ‘to. Konting kalma.
Vice Ganda: Ayoko ng konti. Gusto ko maraming kalma. Kalma! Kalma! Kalma! Kalma! Kalma! Heto pa ang isang kalma! At ito naman ang next question ko. Sabi sa ‘yong patalastas, gusto mong maging Nanay De Pamilya sa Senado. Ang tanong ng isang reader natin: ano raw ang gagawin mo sa plenary, magpapa-dede?
Nancy Binay: Alam mo Vice… kung hindi ikaw ang nagtanong n’yan ma-o-offend ako.
Vice Ganda: Sige… gusto kong ma-offend ka! Imaginin mo na lang na ako si Korina Sanchez. Tingnan ko lang kung ‘di ka ma-offend! Handa ka na ba? Uulitin ko: “Bilang Nanay De Pamilya sa Senado, anong gagawin mo sa plenary: magpapa-dede?”
Nancy Binay: Oo! ‘Yun ang gagawin ko! Bakit? Inggit ka? Palibhasa, wala kang…
Vice Ganda: Ano?!? Wala akong ano?! Wala akong anak?!? Sumagot ka!
Nancy Binay: Vice naman. Ayokong mapaaway.
Vice Ganda: Hindi ako si Vice. Ako si Korina! Akala mo uurungan kita? Hindi ako natatakot kahit maligno ang tatay mo! Sumagot ka!
Nancy Binay: Vice… ayoko na talaga. Magwa-walk out na ako. Bye!
Vice Ganda: Teka lang! Ito naman! Ini-internalize ko pa ang pagiging Ate Koring ko… bigla naman akong nilayasan. Sige na nga, last question: Bakit dapat naming iboto ang isang Nancy Binay ngayong eleksyon?
Nancy Binay: Alam mo Vice…
Vice Ganda: Very good! Very nice answer! Thank you very much. Good night!
Nancy Binay: Wait, hindi pa ako sumasagot! Ang daya naman. Biased ka!
Vice Ganda: Hindi lang pinatapos biased agad? ‘Di ba pwedeng OT lang talaga?
Nancy Binay: Bahala ka. Salamat na rin sa time. Goodbye… Korina!
Vice Ganda: Hooooy! Anong Korina? Ewan ko sa ‘yo… Margaret Thatcher ka!
-End of Interview-


Potato Leek.

(via icahguray)
(via lovatobieberdream)
(via kmaningas)